DAGUPAN CITY – All set na ang Handog na Free concert, Free T-shirt ng Bombo Radyo at Star FM kasabay ng selebrasyon ng Pistay Dayat 2019 sa Pangasinan bukas, May 1.

Maraming mga Pangasinense ang nag-aabang sa aktibidad na ito na magaganap sa capitol beachfront sa bayan ng Lingayen.

Magiging guest ang ilang sikat na local bands sa lalawigan at magtatanghal din ang bandang Rocksteddy at Frio.

Ilan sa pinasikat ng Rocksteddy ang awiting “Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma,” “Superhero,” “Break Na Tayo,” “Superhero” at “Magpakailanman.”

Ilan naman sa hit songs ng bandang Frio Alive ang “Nasan Ka Na, “Could Have Been,” at marami pang iba.

-- Advertisement --