-- Advertisements --

Itinuturing na “good choice” ni dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Debold Sinas bilang susunod na pinuno ng pambansang pulisya.

Ayon kay Dela Rosa, angkop si Sinas sa naturang trabaho, dahil maganda naman ang track record nito.

Sa isyu naman ng mga kinasangkutang isyu ng NCRPO chief, sinabi ni Sen. Bato na wala namang perpekto sa mundo, kaya normal na ang mga ganung usapin.

Sinang-ayunan din ni dating PNP chief at Sen. Panfilo “Ping” Lacson ang naturang appointment na ibinigay, dahil “mission-oriented naman daw si Sinas.

Sa panig naman ni Liberal Party (LP) president at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, hindi na raw sila nasorpresa sa pagpili ni Pangulong Duterte sa hepe ng NCRPO.

Giit nito, maraming opisyal na inuulan ng isyu ang hindi naparusahan at sa halip ay nakonsinte pa, habang may ilang na-promote pa, sa kabila ng kinasangkutang kontrobersiya.