Naniniwala si Senate President Vicente Sotto III na walang magiging delay sa pagpasa ng 2026 National Budget Bill, kahit na nagkaroon ng mga pagbabago sa liderato ng Kamara de Representantes.
Ayon kay SP Sotto , ang Senado ay magtatrabaho nang husto upang matiyak na maipapasa ang panukalang budget bago matapos ang kasalukuyang taon.
Ito ay upang mabigyan din ng sapat na panahon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag-aralan at mapirmahan ang nasabing budget bill bago magsimula ang bagong taon.
Dagdag pa rito, kumpiyansa rin ang Senate leader na ang 2026 budget ay magiging malinis at walang bahid ng korapsyon.
Ayon kay Sotto, pagtutulungan nila ng bagyong speaker ng Kamara na masiguro ang transparency sa pagbuo at pagpasa ng budget.
Ang kanilang pagtutulungan ay naglalayong ipakita sa publiko na ang budget ay ginagawa para sa kapakanan ng lahat at hindi para sa pansariling interes.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang pag-asa si Senate Finance Committee Chairperson, Senador Sherwin Gatchalian na hindi mapapalitan ang kasalukuyang House Appropriations Chairperson na si Cong. Mikaela Suansing.
Naniniwala si Gatchalian na ang pagpapanatili kay Suansing sa kanyang posisyon ay makakatulong upang mapadali ang pagpasa ng budget.