-- Advertisements --

Binatikos ng nina Senator Panfilo Lacson at Sen. Tito Sotto III ang ilang mambabatas sa Amerika dahil sa pangingialam sa Pilipinas.

Ito ay kasunod ng pagpasa ng panukalang batas na pagbabawal na makapasok sa US ang mga opisyal na sangkot sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Ayon sa Senate President, na hindi na dapat makialam ang mga mambabatas ng Amerika dahil hindi nila lubos alam ang kaso ni De Lima.

Tinawag naman ni Senator Lacson na walang kuwenta ang nasabing panukala ng mga mambabatas ng Amerika.

Pinuri naman ng mga kaalyado ni deLima sa pangunguna ni Senator Francis Pangilinan ang ginawang ito ng mga mambabatas sa Amerika.

Sinabi nito na kahit sino ay maaaring umalma kapag nakita nilang may mali ang ipinapatupad sa ibang bansa.

Magugunitang ipinasa na ng Senate Appropriations Committe ang panukalang batas ni US Sen. Dick Durbin at Sen. Patrick Leahy na tinawag din na “politically motivated” detention of De Lima.