-- Advertisements --
Pinayagan ng dalawang korte sa Muntinlupa City si Senador Leila de Lima na makita sa pamamagitang ng video conference call ang kaniyang ina na dinapuan ng COVID-19.
Ayon sa Muntinlupa RTC Branch 256 Judge Romeo Buenventura at Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara na bilang humanitarian consideration ay nararapat na pagbigyan ang hiling ng senador.
Nauna rito hinilng ng senador sa korte na kung maari ay pagbigyan siyang makausap ang kaniyang ina sa pamamagitan ng video call.
Nagpositibo kasi sa COVID-19 nitong Enero ang 89-anyos ina ng senador na si Norma Magistrado de Lima.