-- Advertisements --

Naayos na ng lungsod ng Makati ang mga quarantine faciities sa Barangay Pembo at Ospital ng Makati.

Sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na dahil sa nasabing pag-aayos ay maaari na silang makatanggap ng bagong mga pasyente.

Mayroong tatlong temporaryong emergency quarantine facilities (EQF) sa Pembo Elementary School at isa sa parking area ng Ospital ng Makati na kayang mag-accomodate ng 14 na kama.

Dagdag pa ng alkalde na ilang lugar na rin sa Barangay Cembo ay ginawa na rin nilang quarantine facility.

Maging ang mga Barangay health centers ay naglagay na rin ng mga isolation areas na mayroong COVID-19 symptoms.

-- Advertisement --