-- Advertisements --

Hati ang opinyon ng mga jeepney drivers sa naging pahayag ni Department of Transportation (DoTr) Sec. Arthur Tugade na dodoblehin ang ayuda ng mga drivers dahil sa tumataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Kasabay ng pahayag ng DoTr, sinabi naman ng ilang transport group na dahil sa dinobleng ayuda na mula P6,500 ay gagawin na itong P13,000 ay hindi na muna ihihirit ang P1 na provisional fare increase.

Ayon kay Carlos Lumban, isang driver sa Maynila, sinabi nitong mas magandang ayuda na lamang ang ibigay kaysa P1 na icrease dahil malaking tulong ito sa kanyang pamilya.Iba rin ang pananaw ni Ricardo Rimandaban na isa ring jeepney driver.

Para sa kanya, mas maiging ipatupad muna ang P1 na dagdag sa pasahe habang hindi pa naibibigay ang ipinangakong ayuda.

Una rito, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ngayong buwan ng Marso ay maipapamahagi na ang ayuda para sa mga tsuper.