CAUAYAN CITY- Isasailalim sa limang araw lockdown ang ilang purok at barangay sa bayan ng Cabarroguis, Quirino dahil sa tumataas na kinakapitan ng COVID-19 virus.
Sa ngaing panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Social Welfare and Development Officer Jun Pagbilao sinabi niya na kabilang sa mga isasailalim sa lockdon na epektibo ngayong gabi hanggang March 23, 2021 ang barangay San Marcos.
Isasailalim naman sa granular lockdown ang Barangay Gundaway at barangay Mangandingay.
Ayon kay G. Pagbilao dalawa purok mula sa barangay Mangandingay ang naka lockdown habang tatlong purok naman sa barangay Gundaway.
Sa ngayon ay nasa 600 food packs ang nakaantabay na maipamahagi sa mga apektadong residente.
Aniya, may mga konsiderasiyon na ibibigay sa mga residente subalit limitado lamang.
Papayagan lumabas ang mga residente na kabilang sa essential sector.
Naatasan naman ang pulisya na pangasiwaan at bantayan ang naturang mga lugar upang malimitahan ang paglabas ng mga residente.
Nanawagan naman ang pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa mga residente na sumunod na lamang sa panuntunan upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.