CAGAYAN DE ORO CITY – Abala para kanilang mga trabaho ang Pinoy workers at hindi ina-alintana ang umano’y muling pag-init ng tensyon sa pagitan ng Taiwan at China.
Ganito isinalarawan ni Taiwan-based Bombo International News Correspondent Win Gimeno ang kasalukuyan nila na kalagayan sa gitna ng mga patusadahan ng Taiwanese at Chinese officials.
Sinabi ni Gemino na batay sa kanyang mga pagtatanong sa ilang mga kaibigan na Taiwanese nationals,malayo umano ang kinatatakutan na magka-pisikalan katulad ng mga paggamit ng kagamitang pandigma ang dalawang panig.
Umalma lang ang ilang Pinoy workers dahil nasobrahan umano ang mga lumalabas na mga balita sa Pilipinas kumpara sa totoong sitwasyon sa Taiwan.
Bagamat inamin ni Gemino na apektado na ang ekonomiya sa kanilang tina-trabahuang lugar sa Asya dahil sa marami sa investors na mayroong mga malalaking negosyo ay nagmula sa Tsina.
Magugunitang nagbanta ang embahador ng Tsina sa Pilipinas na si Huang Xilian na maaring maiipit sa kaguluhan ang nasa 150,000 Pinoy workers na nasa Taiwan kung hahayaan ang tropa ng Amerika na maka-posisyon ng husto gamit ang Enhanced Defense Cooperation Agreement facilities.