ROXAS CITY – Hindi rin pinalampas ng mga Filipino worshippers ang pagdating ni Pope Francis sa Bangkok, Thailand kagabi kung saan nagsagawa ito ng misa.

Ayon kay Bombo International Correspondent Cleo Rose Jondonero, Pinay teacher sa Thailand, umaabot sa 70,000 Filipino faithfuls ang nabigyan ng ticket para makadalo sa Holy Mass na pinangunahan ni Pope Francis sa National Stadium sa central Bangkok.

Kabilang sa nabigyan ng passes ay ang mga Filipino teachers na nagtuturo sa mga Catholic schools.

Napag-alaman na mahigit sa 90% na mga Thai ay nananampalataya sa relihiyong Budismo na sumasamba kay Buddha.