-- Advertisements --
image 547

Matapos na mawalan ng komunikasyon, nakontak na ng gobyerno ng Pilipinas ang ilang mga Pilipino na nananatili sa Gaza na dumaing na pahirapan na ang access ng tubig doon.

Ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, natawagan na nila ang nasa 87 Pilipino sa Gaza kabilang ang 57 Pinoy na nasa Rafah.

Aniya, bagamat sapat pa ang suplay ng pagkain nagiging pahirapan naman ang access sa tubig.

Ayon pa sa envoy, mula sa 136 Pinoy na nasa Gaza, 49 na mga Pilipino ang hindi makontak subalit puspusan pa rin ang ginagawang paraan ng embahada para makontak ang mga ito.

Base sa United Nations agency na tumutulong sa mga Palestinian refugee, walang convoy ng humanitarian aid ang nakapasok sa Gaza noong Oktubre 28 dahil sa naputol na komunikasyon.