Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang suporta sa mga atleta ng bansa.
Kasunod ito sa pagbisita sa Malacañang ng tatlong Pinoy boxing champion.
Kinabibilangan ito nina International Boxing Federation (IBF) and World Boxing Association (WBA) world super bantamweight champion Marlon “Nightmare” Tapales, the reigning World Boxing Organization (WBO) world minimumweight champion Melvin “Gringo” Jerusalem, at IBF Inter-Continental, IBO Inter-Continental, and WBC Asian Boxing Council super featherweight champion Charly “King’s Warrior” Suarez.
Kasama ng nasabing mga boksingero sina Sean Gibbons ang promoter ni Tapales at manager nito na si JC Mannagquil ganun din ang manager ni Jerusalem na si Nobuyuki Matsuura at Games and Amusements Board (GAB) Chairman Richard Clarin.
Pinirmahan pa ng pangulo ang mga boxing gloves ng nabanggit na mga boksingero.
Magugunitang noong Abril 8 ay nagwagi si Tapales sa pamamagitan gn split decision laban Murodjon Akhmadaliev sa laban na ginanap sa San Antonio, Texas.
Mayroong 37 panalo, tatlong talo at 19 knockouts ang 31-anyos na si Tapales.
Noong Enero naman ay tinalo ni Jerusalem sa pamamagitan ng second round technical knockout si Masataka Taniguchi ng Japan para maging unang Filipino na nagwagi ng world title sa laban na ginanap sa Japan. Mayroon na itong 20 panalo at dalawang talo na mayroong 12 knockouts.
Ang 34-anyos na si Suarez ay nagwagi laban kay Paul Fleming noong Marso 15 sa laban na ginanap sa Sydney, Australia.
Mayroon na itong record na 15 panalo na wala pang talo.