-- Advertisements --
sibuyas 1

Hindi inaalis ng House Committee on Agriculture and Food ang posibilidad na may mga indibidwal silang kakasuhan dahil sa labis na pagtaas ng presyo ng sibuyas nitong nakalipas nataon.

Ayon kay Committee Chair at Quezon City Representative Wilfrido Mark Enverga, may ‘high probability’ na irerekomenda ng kanyang komite ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang personalidad na nakikitang naging dahilan ng price surge sa sibuyas na umabot pa sa mahigit P700 kada kilo.

Bagaman wala pang pinapangalanan ang kongresista, tinitiyak nitong muling pag-aaralan ng kanyang komite ang lahat ng naging diskusyon sa isinagawang pagdinig at imbestigasyon.

Matatandaang Pebrero ng nakalipas na taon nang inumpisahan ng komite ang motu propio investigation dahil sa isyu ng mataas na presyo ng sibuyas, at nitong gabi ng Miyerkules lamang tuluyang natapos.

Kabilang sa mga naging resources person sa nasabing pagdinig ay ang mga kinatawan ng Department of Agriculture, kasama na ang mga opisyal ng attached agency nito na Bureau of Plant Industry.