LA UNION – Nagpapatuloy (habang isinusulat ang balitang ito), ang blood letting program sa Barangay Poro, San Fernando City, La Union.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Naval Forces Northern Luzon sa Bombo Radyo La Union para sa libreng dugo na ibibigay ng mga ito sa mga nangangailangan.

Kasama sa mga kinukuhanan ng dugo ang ilang opisyal ng Philippine Navy at ilang elite forces.

Katuwang sa aktibidad ang Philippine Red Cross (PRC) La Union Chapter sa pangunguna ni PRC Administrator Almira Abrasado at ang Rotary Club ng San Fernando City, La Union.

Ito na ang ika-limang bugso ng isinasagawang blood letting program ng Bombo Radyo La Union na ginaganap sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.