Napag-alaman na ilang mga opisyal at empleyado ng National Food Administration (NFA) na sinuspendi kaugnay sa maanplamiyang pagbebenta ng bigas sa ilang trader ay nag-leave mula sa trabaho ayon kay Ombudsman Samuel Martires.
Ngunit ayon sa Ombudsman ang mga opisyal ng ahensiya na kasama sa nasuspendi na mayroong prior leave at apporved leave ay dapat na terminated pagkatanggap ng kanilang preventive suspension.
May ilan kasi sa mga sangkot na opisyal at staff ang mayroong approved leaves bago pa man matanggap ang kanilang suspension order.
Simula nga noong Lunes, sinuspendi ng Office of the Ombudsman ang 139 NFA officials at employees para ma-secure ang lahat ng mga dokumento at iba pang ebidensiya kaugnay sa umano’y maanomaliyang pagbebenta ng buffer stock rice.
Bunsod nito, nakatakdang sumulat si Ombudsman Martires sa NFA human resource manager kaugnay sa mga concerned NFA officials at peronnel na kumuha ng leave.
Sinabi naman ni Martires na ang mga empleyado na sinuspendi at mapapatunayang walang kinalaman sa kontrobersiya ay malilift na ang suspensiyon at maaaring pabalikin na sa susunod na linggo.