-- Advertisements --

Inaresto ng mga kapulisan si Newark Mayor Ras Baraka matapos ang ginawa nitong protesta.

Ayon kay US Attoreny fo New Jersey Alina Habba, na kontra ang alkalde sa pagbubukas ng federal immigration detention center.

Sinabi pa ni Habba na makailang beses na nitong binalewala ang babala sa kaniya at siya ay nag-trespassing.

Noon pa man ay matagal ng inihayag ni Baraka ang pagkontra sa detention facility.

Isinagawa ang pag-aresto sa kaniya ng subukan niyang sumali sa itinakdang pagbisita nina New Jersey’s congressional delegation, Reps. Robert Menendez, LaMonica McIver, at Bonnie Watson Coleman.

Hinarang ng mga federal opisyal si Baraka dahil sa wala ito sa listahan kaya nagkaroon ng alitan.