-- Advertisements --
Patay ang dalawang katao sa New Jersey matapos na tangayin ng baha ang kanilang sasakyan.
Nagbunsod ang pagbaha dahil sa ilang araw na walang tigil na malalakas na pag-ulan.
Dahil dito ay idineklara ni Governor Phil Murphy ang state of emergency.
Ibinabala rin ng opisyal na maaring mabaha ang Washington D.C hanggang sa Carolinas.
Naantala rin ang mga operasyon ng Amtrak at ilang pampublikong sasakyan dahil sa pagbaha.