-- Advertisements --
Umabot na sa 51 katao ang nasawi dahil sa malawakang pagbaha bunsod ng ilang araw na malakas na pag-ulan sa Bangladesh.
Maraming mga residente ang nawalan ng kanilang tirahan dahil na rin sa naganap na flashflood sa capital city na Dhaka.
Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Cox Bazar kung saan malaking bilang ng mga Rohingya refugee population ang nakatira doon.
Inilipat na sa government shelters ang mga naapektuhan ng mga malawakang pagbaha.















