Nadagdagan pa ang bilang ng mga kompanya ng langis na maagang nag-anunsyo ng tapyas sa kanilang mga produkto para sa susunod na lingo.
Ayon sa Pilipinas Shell at Seaoil Philippines, nasa P0.90 ang rollback para sa kanilang mga produktong gasolina kada litro. Habang nasa P0.80 ang price cut kada litro ng diesel at kerosene.
Batay sa anunsyo ng Shell, sa May 7 pa, Martes mararamdaman ng kanilang mga customer ang paggalaw sa presyo ng krudo.
Samantalang ngayong araw na magsisimula ang price cut sa Seaoil.
Nauna ng nag-anunsyo ang Petro Gazz ng P1.00 na tapyas sa kada litro ng kanilang gasoline. Habang P0.80 ang sa kada litro ng diesel na ipapatupad na rin ngayong May 5.
Pareho rin ang price cut na ginawa ng Phoenix Petroleum sa kanilang mga produkto na nitong Sabado ng tanghali pa naimplementa.