Magkakaroon umano ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa abiso ng Shell, asahan na raw na bababa ng P0.10 kada litro ang presyo ng diesel.

Maging ang halaga ng kerosene ay sasadsad din sa P0.35 kada litro.

Sa kabila nito, mayroon namang umento sa presyo ng gasolina na madaragdagan ng P0.10 kada litro.

Bukas ng alas-6:00 ng umaga eepekto ang naturang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo.