-- Advertisements --

KORNADAL CITY – Nakiisa rin sa isinasagawang malawakang kilos protesta ang ilan sa mga OFWs sa Hong Kong para kondenahin ang isinusulong na Extradition Bill ng mga mambabatas doon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Bombo International Correspondent Dania Baylon ng Maibo, Tantangan, South Cotabato at isang OFW sa Sha Tin Che Kung Temple, Hong Kong, sinabi nitong pati silang mga mangagawang Pinoy ay tutol din sa naturang panukalang bata.

Ang panukalang batas na ito kasi ay hindi lamang para sa mga residente ng Hong Kong kundi pati na rin sa mga foreign workers na nasa bansa.

Sa ngayon ilang daan libong raliyista ang nakakalat sa central Hong Kong.