-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nagdeklara na ng bankruptcy ang karamihan sa mga kompaniya sa Croatia dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, iniulat ni Junacer Batang, OFW sa Velika Gorica, Croatia, sinabi nito na marami silang nangangambang maalis sa trabaho at nakatakdang pauwiin ng Pilipinas.

Tinataya aniya na aabot ng hanggang 700 OFWs ang maapektuhan sa naging desisyon ng karamihan sa mga kompanya sa Croatia.

Habang mayroon namang mangilan ilang Pilipino na tinutulungan ang kanilang mga kapwa OFW na makahanap ng panibagong trabaho sa Croatia.

Sa ngayon ay wala silang natatanggap na tulong ng pamahalaan ng Pilipinas dahil limitado lamang ang mga nakakakuha ng tulong.

Ang Croatia ay mayroong mahigit 2,000 na confimred COVID-19 case, 1,232 ang naka-recover at 63 ang namatay.