-- Advertisements --

Nakatakdang magpasa ng resolution sa susunod na linggo ang World Health Organization (WHO) sa Europe para sa pagpapasara ng kanilang opisina sa Russia.

Ito ay dahil sa ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine noong Pebrero.

Ayon kay WHO regional director for Europe Hans Kluge na isasagawa ang special session sa darating na Mayo 10.

Umabot na kasi sa 53 bansa kabilang ang nasa central Asia ang nagpadala na ng sulat at proposal.

Noong Abril 28 kasi ay ipinasa ang sulat na nananawagan ng pagpapasara ng kanilang opisina sa Russia dahil sa sinira nito ang health system ng Ukraine.

Nakasaad rin sa resolusyon ang pansamantalang pagsuspendi ng lahat ng mga regional meetings sa Russia kabilang ang technical meeting at meeting of experts mga seminars at mga conferences.