Naibalik na ang supply ng kuryente sa ilang mga transmission lines sa Luzon na unang nawalan ng supply ng, matapos manalasa ang bagyong egay.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, ito ay kinabibilangan ito ng Bauang-San Fernando 115kV sa La Union, at San Esteban-Narvacan 69kV Line sa Ilocos Sur.
Samantala, nananatili namang unavailable ang maraming mga transmission line sa Region 1, Region 2, at Region 3.
Ito ay kinabibilangan ng Cabanatuan-San Luis 69kV Line sa Nueva Ecija at Aurora; Lal-lo-Sta. Ana 69kV Line sa Cagayan; La Trinidad-Sablan 69kV Line at Itogon-Ampucao 23kV Line sa probinsya ng Bunguet.
Kasama rin dito ang San Esteban-Bangued 69kV Line Probinsya ng Abra, at ang San Esteban-Candon 69kV Line ng Ilocos Sur.
Nauna na ring pinakilos ng NGCP ang mga line crew nito, upang tumugon sa problema sa supply ng kuryente, oras na papahintulutan ito ng pagkakataon.