-- Advertisements --

Dumulog sa Korte Suprema ang isang grupo ng mga petitioners upang mapigilan ang implementasyon ng ilang probisyon ng Bangsamoro Electoral Code o BEC.

Batay sa animnaput apat (64)-na pahinang petisyon na inihain sa Korte Suprema ng 15 Muslim leaders na kinatawan ni Atty Romulo Macalintal, hiniling na ideklarang null and void ang Bangsamoro Electoral Code na inisyu ng Bangsamoro Transition Authority na nilagdaan ni BARMM Interim Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Ayon sa petisyon, nakagawa ang BARMM Chief ng grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction at paglabag sa Konstitusyon at mga national laws.

Kung maaalala, noong March 8 2023 ay naisabatas ang Bangsamoro Electoral Code na nalimbag na sa mga local newspaper at nagkabisa na noong May 17 2023.

Ayon sa mga petitioner na pinangunahan ng Bangsamoro Electoral Code ang kapangyarihan ng Korte Suprema na magtakda ng panuntunan at regulasyon kaugnay sa mga kasong naihain sa mababang korte.

Nakasaad rin sa petisyon na hinakbangan ng Bangsamoro Electoral Code ang constitutional powers and duties ng Comelec gaya nang pag-iimplemento at pangangasiwa sa mga halalan sa bansa.

Kinukuwestiyon din ng mga petitioner ang mga probisyon ng Bangsamoro Electoral Code gaya pagpapalabas ng public funds para sa election campaign at partisan political activities.