Patuloy ang ginagawang paghihigpit ng NBA sa ipinapatupad nilang health and safety protocols para hindi na kumalat pa ang virus.

Pinakahuli ay ang pagkansela ng laro sa pagitan ng Toronto Raptors at Chicag Bulls.

Ito ay matapos na ang mismong coach ng Raptors na si Nick Nurse at forward Pascal Siakam ay mayroong nakasalamuha na positibo sa COVID-19.

Bilang protocols ay maraming mga players ang inilagay sa isolation ng ilang araw para matiyak na hindi sila dinapuan ng virus.

Sinabi ni Raptors general manager Bobby Webseter na hindi pa nila tiyak kung makakabalik na agad sila sa paglalaro bago ganapin ang NBA All-Star sa susunod na mga linggo.

-- Advertisement --