BOMBO DAGUPAN- Nagsagawa ng ilang mga pakulo o gimik sa ilang sementeryo sa lalawigan ng Pangasinan upang magbigay aliw sa mga residenteng dumadalaw sa kanilang namayapang mahal sa buhay gaya na lamang ng pagmaskot ng pulis sa Eternal Gardens Cemetery na kinaaliwan ng mga kabataan.
Gayundin, namahagi rin ng mga libreng kandila at tubig at nakahanda rin ang kanilang medical team sakaling mayroong mga mahimatay o mangailangan ng medikal na tulong.
Bukod dito gumawa rin sila ng name tags ng mga bata sakaling mawalay ang mga ito sa kanilang mga magulang o guardians.
Agaw pansin din ang mga makukulay na puntod sa Calasiao Cemetery kung saan aay pininturahan ng ibatt banng kulay ang mga puntod.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Shayne Daciego, ang Police Community Affairs and Development Group Officer ng syudad, katuwang ang kanilang force multipliers sa pagpapaigting ng seguridad ng mga mamamayan kabilang dito ang hanay ng Philippine Army, Bureau of Jail Management and Penology, at Public Order and Safety Office (POSO) para naman sa traffic rerouting.
Sa kasalukuyan ay nakadeploy ang nasa daan daang personnel sa iba’t ibang mga sementeryo sa syudad ng Dagupan at kalapit bayan.
Kumpiyansa naman itong magiging maayos sa pangkalahatan ang pagdaraos ng Undas ngayong araw.










