-- Advertisements --

Maaari ng magsimula ng klase ang mga private schools at non-Department of Education (DepEd) public schools para sa 2021-2022.

Ito ang laman ng advisory ng DepEd na pirmado mismo ni DepEd Secretary Leonor Briones.

Nakasaad sa advisory na tanging mga distance learning ang papayagan at pinagbabawal pa rin ang face-to-face classes.

Nauna ng sinabi ng DepEd na may ilang petsa na silang napili sa pagbubukas ng klase at ito ay sa Agosto 23, Setyembre 6 o Setyembre 13.