-- Advertisements --
Nagbitiw sa kanilang puwesto ang dalawang ministro ng Peru dahil sa patuloy na madugong kilos protesta.
Sumiklab kasi ang malawakang kilos protesta matapos na mapatalsik sa kaniyang puwesto si dating pangulong Pedro Castillo.
Kabilang sa nagbitiw sa puwesto si Education Minister Patricia Correa dahil sa hindi na makayanan ng konsensiya niya ang lumalalang karahasan.
Nasa 20 katao na kasi ang nasawi matapos ang sagupaan ng mga protesters at kapulisan.
Maraming turista rin ang hindi nakalabas sa bansa matapos na harangan ng mga protesters ang pangunahing paliparan ng bansa.
Nauna ng idineklara ang isang buwang national state of emergency sa Peru dahil sa marahas na kilos protesta.