-- Advertisements --
Pinatawan ng US at mga kaalyadong bansa nito sa Asya ang tatlong senior officials ng North Korea.
May kinalaman umano ito sa pinakahuling pagpapakawala ng North Korea ng mahigit 60 ballistics missiles ngayong taon lamang.
Kasama ng US ang Japan, South Korea at European Union ang nagpataw ng sanctions laban kina Jon Il Ho, Yu Jin at Kim Su Gil dahil may kinalaman ang mga ito sa paggawa ng nasabing missiles.
Dahil sa bagong sanctions ay lahat ng US-based assets ng nabanggit na mga opisyal ng Korea ay ipi-freeze.
Pagbabawal din ang mga ito na makipag-transaksyon sa anumang negosyo at indibidwal sa US.