-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga may-ari ng malalaking malls sa bansa na papayagan nila ang boluntaryong paggamit ng face mask.

Ang hakbang aniya ay bilang pagsunod sa kautusang ibinaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabihan na din nila ang mga merchants at mga service providers ukol sa nasabing bagong polisiya.

Maglalabas din aniya sila ng memorandum ukol sa nasabing bagong panuntuna.

Magugunitang naglabas na rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng panuntunan sa voluntary indoor na pagsusuot ng facemask.