Ilang mga local government units sa Northern Luzon ang nagsuspinde ng klase ngayong Lunes dahil sa epekto ng nagdaang pananalasa ng Bagyong Neneng na may International name na ngayong Nesat.
Ang mga klase na sinuspinde sa lahat ng antas ay ang bayan ng Kapangan sa Benguet, bayan ng Abulug, Aparri, Sanchez Mirra, Camalaniugan, Buguey, at Ballesteros sa Cagayan
Dagdag dito, kasama sa walang pasok ang mga government workers maliban sa frontline services ang bayan ng Claveria sa Cagayan.
Kabilang rin sa walang pasok ay ang Laoag City at Batac sa Ilocos Norte.
Una rito, ang Bagyong Neneng ay palabas na sa Philippine area of responsibility ngunit inaasahan pa din ang patuloy na pag-ulan sa Ilocos Norte at Ilocos Sur, ayon yan sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)