-- Advertisements --
Nasa limang taxi drivers na ang naaresto ng Land Transportation Office-National Capital Region West (LTO-NCR-West) matapos na ireklamo dahil sa pagtanggi sa mga pasahero.
Ang hakbang ay bahagi ng programa nilang “Oplan Isnabero”.
Naaresto ang mga ito sa isinagawang operations sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at sa lungsod ng Pasay.
Ayon kay LTO-NCR-West Director Roque Verzosa na patuloy ang gagawin nilang operasyon para matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng mga mananakay.
Ang mga driver ay maaring maparusahan ng multa ng P5,000 hanggang P15,000 at pagkansela ng kanilang Certificate of Public Conveyance (CPC).