-- Advertisements --

Hiniling ng ilang grupo na dapat magbigay ng incentives ang gobyerno sa mga local manufacturer para damihan nila ang kanilang ginagawang construction materials.

Kasunod ito sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dapat mga gawang mga local ang gamitin sa mga construction projects sa bansa.

Ayon kay Philippine Constructors Association (PCA) Executive Director Ibarra Paulino, na sa kasalukuyan ay hindi kayang matugunan ng mga local manufacturers ang demand ay umaaasa pa sa pag-angkat.

Para maremedyuhan aniya ito ay dapat suportahan ng gobyerno ang mga local manufacturers at makagawa ng mas maraming mga planta.