Inaalmahang ng ilang grupo ang plano ng gobyerno ng mag-angkat mula sa ibang bansa ng mga isdang galunggong.
Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakay ng Pilipinas (Pamalakaya) na hindi solusyon sa pagpababa ng presyo ng isdang galunggong ang pag-angkat ng isda mula sa ibang bansa.
Labis aniya na magiging apektado ang pangkabuhayan ng mga lokal na mangingisda sa bansa sakaling ipatupad ito ng gobyerno.
Pinangangambahan din nila na baka ang mga isda mula sa ibang bansa ay may halong mga kemikal.
Nauna rito inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na para matugunan ang kakulangan ng suplay ng galunggong sa bansa dahil sa mataas na presyo nito ay mag-aangkat sila mula sa China at Vietnam.
Sinabi pa ni BFAR Director Eduardo Gongona na nasa 45,000 toneladang galunggong ang kanilang aangkatin.