-- Advertisements --

Sumama ang ilang mga celebrities sa US sa nagpapatuloy na kilos protesta.

Ang “No Kings” protests ay siyang lumalaking pagkilos sa pagkontra sa immigration policies ni US President Donald Trump.

Ilan sa mga celebrities ay ang sikat na TV host na si Jimmy Kimmel kung saan kasama pa ang magulang nito.

Sa social media account ni Kimmel na labis siyang nagpapasalamat magulang dahil tinuruan siya kung paano maging mabuti sa ibang tao.

Habang ang actress na si Kerry Washington ay nagpost din sa social media niya mayroong nakadikit na karatulang “No Kings”.

Ilan din sa mga celebriities na lumahok sa protesta ay ang actress na sina Glenn Close, Natasha Rothwell, Mary Elizabeth Ellis at Ayo Edebiri.

Isinabay ang protesta sa kaarawan ni Trump at kung saan nagsagawa ng kontrobersyal na military parade sa Washintong bilang pagdiriwang din ng 250th anibersaryo ng Army.