-- Advertisements --
Dinoble ng mga bansang France, Germany at United Kingdom ang kanilang seguridad dahli sa pangambang posibleng pag-atake sa mga miyembro ng Jewish Community sa kanlang lugar.
Kasunod ito sa naganap na pag-atake ng mga Hamas militants sa Israel.
Sa ilang lugar sa Berlin, Germany at London ay iwinagayway ng mga Palestinian ang kanilang mga watawat.
Dahil sa pangyayari ay dinoble ng Metropolitan Policen ng London ang kanilang pag-iikot sa lugar.
Sinabi naman ni UK Home Secretary Suella Braverman na mayroong sapat na proteksyon ang Jewish Community laban sa anumang atake.