Ikinabahala ng ilang bansa kabilang ang Pilipinas ang mga isinamang events ng Cambodia sa kanilang hosting ng Southeast Asian Games sa susunod na taon.
Gaganapin ang 32nd SEA Games mula Mayo 5-16, 2023 kung saan mayroong 632 na events.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham Bambol Tolentino, na ang maraming bansa ang nagrereklamo dahil sa ilang mga events ay hindi nila kabisado.
Mayroon kasing mga events aniya na hindi alam o pamilyar ang mga kalahok na bansa.
Karamihan aniya na mga martial arts na hindi naman kabisado ng maraming bansa.
Dahil dito ay plano nilang ipabawas ang nasabing mga events sa darating na pagpupulong.
Noong isinagawa kasi ang SEA Games sa bansa ay mayroon lamang 530 events sa 56 na iba’t-ibang sports habang mayroong 40 sports program ang Vietnam sa 526 events noong Mayo 2022 SEA Games.