-- Advertisements --
image 317

Dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Sudan, ilang mga bansa na ang naghahanda upang magsagawa ng evacuation o paglikas.

Kabilang sa mga ito ay ang France, Germany, Italy, Spain, at ang US.

Para sa US, nauna na nitong inilikas ang isandaang US citizen na apektado sa nagpapatuloy na labanan, kahapon. Kahapon din ay una nang nagdesisyon ang United Kingdom na ibiyahe na palabas ng Sudan ang mga British diplomats, kasama na ang kanilang mga pamilya.

Kabilang pa sa mga bansang inilikas na ang kanilang mga diplomats ay ang Canada, France, Italy, Spain, Germany, at France.

Ilang mga Dutch citizen na rin na nakabase sa Sudan ang piniling lumikas, at nakisakay sa French Evacuation team.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang repatriation effort ng iba’t-ibang mga bansa dahil pa rin sa pangambang maipit ang mga ito sa nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Sudanese Army at Rapid Support Force.

Matatandaang noong Sabado, iniulat ng WHO na mahigit 400 katao na ang namatay dahil sa kaguluhan, na kinabibilangan ng mga kababaihan at mga bata.