Nakahandang tumulong ang member-states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) para sa repatriation ng mga Pilipino mula sa Israel na naiipit sa nagpapatuloy na giyera.
Sinabi ito ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega matapos na makumpirma ng ahensiya ang pagkamatay ng 3 Pilipino sa kamay ng militanteng Hamas.
Ayon pa kay USec. De Vega, isa sa nag-alok ng tulong para sa mga Pilipinong nais na lisanin ang West Bank ay ang karatig na bansa ng PH na Indonesia.
Saad pa ng opisyal n inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DFA na tawagan ang ibang mga bansa at mga embahada sa PH para magbigay ng critical assistance sa paghahanap ng mga Pilipino na hindi pa rin na-account at tulungan ang mga itong makalikas mula sa Gaza.
Nakikipag-usap na rin ang mga opisyal ng PH sa mga awtoridad sa Egypt kaugnay sa naturang arrangement upang madala ang mga Pilipino mula sa Gaza na humiling na ma-repatriate.
Liban dito, una na ring nakipagkita si Pangulong Marcos kay Isareli Ambasador to PH Ilan Fluss na nangakong walang mga tinatarget na sibilyan sa kanilang opensiba laban sa Hamas.