-- Advertisements --

Nanawagan ang mga mambabatas sa Department of Agriculture (DA) na dapat ay hindi lagi dumedepende ang bansa importasyon ng bigas.

Sinabi ni Bukidnon Representative Jose Maria Zubiri , na hindi naman dati nag-aangkat ng bigas ang bansa subalit pinagtataka niya ngayon na umaasa na ang bansa sa pag-angkat ng bigas.

Binatikos naman ni ABONO Party-list Rep. Robert Raymund Estrella na lalong nakakahiya ang DA dahil sa puro pag-angkat ng bigas ang nakikitang solusyon ng DA.

Magugunitang itinuturong solusyon ng DA sa pagtaas ng presyo ng bigas at ilang agricultural products kapag mag-angkat mula sa ibang bansa.

Dahil dito ay iginiit ng mga mambabatas na dapat ay maghanap na permanenteng solusyon ang DA at hindi ang temporaryong solusyon na pag-angkat ng mga bigas.