-- Advertisements --
MAGSASAKA

Laking tuwa ng mga magsasaka sa La Union matapos nilang matanggap ang aabot sa P25.92-M halaga ng mga makinarya sa pagsasaka.

Kabilang sa mga tumanggap nito ay ang 22 na qualified Farmers’ Cooperative and Associations at dalawang Local Government Unit sa La Union.

Nagmula ito sa Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program.

Kasabay ito ng isinagawang Provincial Turn-over of Agricultural Machineries sa San Fernando City , La Union.

Kasama sa mga ipinamahagi ay 24 na unit ng hand tractor 12 unit ng rice combine harvester.

Nang magsimula ang Rice Competitiveness Enhancement Fund Mechanization Program. , aabot na sa P343M na halaga ng mga farm machinery ang natanggap ng naturang probinsya.

Personal na dumalo sa turnover ng mga makinarya si na Gov. Raffy Ortega-David, Vice Gov. Mario Eduardo Ortega at iba pang opisyal.

Sa naging mensahe ng gobernador, hinimok nito ang mga tumanggapo ng makinarya na ingata at gamitin ng masyos ang mga makinarya.

Ito aniya ay upang mapataas pa ang kanilang kita.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo at nangako silang pagyayamanin at aalagaang mabuti ang mga makinarya na ipinagkaloob sa kanila.