Inaasahan ng OCTA Research group na bubuti ang COVID-19 situation sa karamihan sa mga highly urbanized cities sa Mindanao sa susunod na linggo.
Ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David, inaasahan nilang mailalagay sa ilalim ng moderate risk category ang mga lugar na ito.
Pero nakikita naman nilang mananatiling high risk ang Butuan, Cagayan de Oro, Davao City, General Santos, at Zamboanga City.
Ang average daily attack rate sa Butuan City ay 10.48, sa Cagayan de Oro ay 11.77, sa Davao City ay 13.61, sa General Santos ay 12.66, at 14.97 naman sa Zamboanga City.
Samantala, sa ngayon ang Cotabato at Iligan ay nasa moderate risk dahil mayroon na silang ADAR na 5.57 at 5.68 bawat isa.
Gayunman, patuloy na umaapela si David sa publiko na sundin pa rin ang health protocols sa kabila nang mga nakikitang improvement.