Maraming mga airline companies sa US ang nagkansela ng kanilang flights bilang paghahanda sa inaasahang malakas na arctic winter storm na tatama hanggang Canada.
Apektado ang nasa 70 milyon katao mula Washington at Maryland matapos na ilagay ang mga ito sa winter weather alert.
Inaasahan na magiging ‘bomb cyclone’ ang bagyo na tatama sa Great Lakes sa araw ng Biyernes.
Dahil dito ay naantala ang pagbiyahe ng ilang residente ngayong Holiday season.
Sinabi ng National Weather Service sa Brooklyn, New York na isa uman itong once-in-a-generation winter weather event lalo na kung umabot pa ang bagyo sa Great Lakes region.
Maihahalintulad aniya ang nasabing bagyo sa Category 3 hurricane.
Ang Bomb cyclone ay isang termino ng mga meteorologist sa bagyo na mabilis ang paglakas na mayroong taglay na central air pressure ng hanggang 23 millibars sa loob ng 24 na oras.
Ang ganitong uri ng bagyo ay normal ng nararanasan sa east coast ng US at Canada kung saan kaya nabubuo ang bomb cyclone ay dahil sa kondisyon ng malamig na lupa at mainit na katubigan sa lugar.