-- Advertisements --

Sinimulan nang pagpulungan ngayon ng mga kinauukulan ang mga lugar na target pagdausan ng gaganaping Balikatan exercises ngayong taon 2024.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad kabilang ang ilang lugar sa Northern Luzon, kabilang na ang Mavulis Island sa Bataan, sa mga kinokonsiderang destinasyon ng naturang military exercises.

Ngunit kasabay nito ay nilinaw niya na sa ngayon ay hindi pa naisasapinal ang mga lugar na maaaring maging lokasyon ng Balikatan exercises 2024.

Kasabay nito ay ipinunto rin ni Commo. Trinidad na sa ngayon ay nakasentro ang Armed Forces of the Philippines sa layunin nitong maging externally oriented mula sa pagiging internally oriented.

Kung maaalala, una nang sinabi ng Hukbong Sandatahan na asahang ang gaganaping Balikatan joint military exercises sa darating na buwang ng Abril ngayong taon kasama ang Estados Unidos ay hindi hamak na magiging mas malaki kumapara sa mga nauna nang exercises na isinagawa ng Pilipinas at Amerika sa nakalipas na mga taon.