-- Advertisements --

Binaha ang ilang lugar sa Metro Manila nitong Biyernes, Hulyo 10 dulot ng mga pag-ulang dala ng habagat na pinaigting ng bagyong Inday.

Base sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaninang alauna y medya ng hapon, naitala ang mga pagbaha sa ilang lugar sa Mandaluyong City partikular na sa EDSA Shaw Tunnel northbound kung saan umabot sa gutter-deep o walong pulgada ang taas ng tubig-baha subalit nadaraanan naman ng lahat ng uri ng sasakyan.

Sa Quezon City din, nakaranas ng gutter-deep o walong pulagadang taas ng tubig-baha sa may EDSA Aurora Tunnel, ngunit passable sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

Nauna nang ibinabala ng state weather bureau na aabot sa 50 hanggang 100 millimeters o katumbas ng dalawa hanggang sa apat na pulgada ng ulan, na itinuturing na katamtaman hanggang sa mabibigat na pag-ulan, ang maaaring maranasan ngayong Biyernes hanggang sa araw ng Linggo sa Metro Manila at iba pang mga lugar.