-- Advertisements --

Inaasahan na ilang libong mga katao ang magtutungo sa Vatican para magbigay ng huling paggalang sa namayapang dating Santo Papa na si Pope Benedict XVI.

Nakalagak kasi ang bangkay ng 95-anyos na dating Santo Papa sa chapel ng monastery sa Vatican kung saan siya nakatira.

Bubuksan ng Vatican sa publiko ang public viewing simula ngayong araw ng Lunes hanggang siya ay ihahatid sa huling hantungan sa Huwebes.

Gaya aniya ng kaniyang hiling bago ang kamatayan niya ay magiging simple at payapa ang libing niya.

Inilabas rin ng Vatican ang spiritual testament ng dating Santo Papa kung saan pinasalamatan niya ang Panginoon at humingi ito ng kapatawaran sa mga nagawan niya ng pagkakamali.

Sa kaniyang misa ay ipinagdasal ni Pope Francis ang namayapang Santo Papa kung saan ipinapaubaya nito sa Panginoon si dating Pope Benedict XVI.