-- Advertisements --
image 229

Plano ng Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang na ilibing na sa araw ng Biyernes ang mga labi ng namatay na inmates sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

Sinabi din ni Catapang na iimbitahan ang mga kamag-anak ng mga nasawing inmates sa isasagawang funeral.

Nais din ng opsiyal na mailibing ang mga ito at maipagdasal o mabigyan ng pagpupugay ang mga ito.

Ginawa ng BuCor official ang naturang pahayag kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa maayos na libing ng mga Bilibid inmates.

Una ng inilibing ng BuCor ang nasa 10 bangkay na nasa premises ng national penitentiary habang may iba naman na nakalagak sa funeral parlor sa Muntinlupa City.

Inisyal ng sinabi ng Justice department na ang mga unclaimed remains ng mga inmates na hindi na isasailalim sa autopsy ang ililibing.

Magugunita na sinabo noon ni Forensic pathologist Dr. Raquel Fortun na nasa 120 labi ng mga inmates ang mummified na o nasa state of decomposition na.