-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Dalawang katao ang nasugatan at umabot sa mahigit 40 bahay ang nasira dahil sa malakas na hangin kasabay ng pag-ulan sa limang barangay sa President Quirino, Sultan Kudarat.

Ito ang pinahayag ni Jonathan Ceballos, ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer ng nasabing bayan sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Sobrang naapektuhan aniya ang mga bahay sa Barangay Romualdez at Kalanawi II kung saan may naitalang dalawang totally damage, 17 ang partially damaged at 15 slightly damaged na bahay.

Dagdag pa nito, on-going pa ang kanilang assessment sa danyos dahil sa pananalasa ng malakas na hangin at ulan.

Patuloy din umano ang nararanasang masamang lagay ng panahon sa ilang bayan sa Sultan Kudarat.