-- Advertisements --

Nabigyan ng pardon ang lima sa 19 na kaso ni dating Myanmar Leader Aung San Suu Kyi.

Ang nasabing pardon na bahagi ng seasonal amnesty ay magiging anim na taon ang kaniyang hatol mula sa dating 33-taon.

Kasama nitong nabigyan din ng pardon ay ang dating pangulo ng Myanmar na si Win Myint kung saan dalawang kaso nito ang nabigyan ng pardon.

Ang periodic amnesties ay inanunsyo na noon pa pero ito ang unang pagkakataon na maisama sina Suu Kyi at Myint.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay inilipat na si Suu Kyi sa house arrest sa Nay Pyi TAw.

Ang 78-anyos na Nobel Laureate ay ikinulong ng military mula pa noong Pebrero 2021 matapos ang kudeta na nagresulta sa pagkakatalsik sa kaniya.